TUBIG! SIGAW NG BAYAN!

MWSS HUGAS KAMAY NA...TINURO NA ANG MANILA WATER!

UNA sinise ang El Niño (drought), binago at sinabing 'unepected daw dahil marami raw ang nagipon ng tubig matapos silang mag-anunsyo ng 'water interruption'.

Binago muli at sinise naman ang pagtaas ng populasyon. Anuba talaga kuya?

Ooops, binago uli at sinabing bumaba pa sa kritikal level ang tubig sa reservoir ng Lamesa dam.

Pero, teka...98 porsyento ng tubig ng Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam. Ang tubig naman sa Angat Dam ay direktang dadaloy sa Ipo Dam...at ito naman ay dadaloy (6.4 km) sa Bicti, at dadaan ito sa limang (5) aqueducts o daluyan, at tutuloy sa Lamesa portal, 60 porsyento ay lilihis papunta sa Lamesa Treatment Plant na pinatatakbo ng Maynilad, at labas dito ang 40 porsyento ay pupunta sa Balara Treatment Plant na pinatatakbo naman ng Manila Water. Ang excess o sobra ay mapupunta naman sa Lamesa 'raw water' reservoir.

So malinaw na bakit ang Maynilad na na galing din sa Angat Dam ang supply may sapat na tubig pero kinapos ang Manila Water?

via @CNNPhilippines: CNN Philippines was able to fly over the mountains of Sierra Madre to check on the situation in the dam, north of the metropolis. Upon checking, the water level was at 199.94 meters, which authorities said was normal.The critical level is at 160 meters.


Dam authorities said water can supply Metro Manila for another 125 days, or until the end of the dry season.

http://cnnphilippines.com/news/2019/3/13/LOOK-Angat-Dam-water-level.html?

Lumalabas na ang puno't dulo ng prublema ayon ngayon sa MWSS ay dahil sa pagkakaantala ng bagong 'treatment plant sa Cardona' Rizal na dapat ay Disyembre pa natapos. Ito ay treatment facility na magpoproseso o maglilinis sa tubig na galing sa Laguna Lake, upang maging karagdagan supply.

Kung gayon, ang Cardona Plant ay dagdag supply lamang, kung wala ito, dapat patuloy ang regular o dating supply ng tubig dahil patuloy pa rin naman ang supply galing sa main source, ang Angat Dam...bakit biglang nagkaroon ng shortage?

Ang susi ay ang Kaliwa Dam sa Kalinga na kinukwestyon ngayon ng marami kung bakit ang proyekto ay dating PPP o Private Public Partneship ay biglang ginawang China funded project na! pag-upo ni Duterte?

Ibig sabihin, uutangin sa China ang bulk ng pondo at may malaking interes at China rin ang pipili ng contractor, at sila rin ang maglalagay ng trabahador, at ang pinakadelikado at sikretong kondisyon ay ang pagpayag ng gobyerno na kung hindi makabayad ang Pilipinas sa takdang oras ay iilitin ng China ang proyekto.

Tama bang isipin na gumawa ng artificial shortage upang makuha ang suporta ng publiko sa pangangailangan ng bagong dam?


Lintek! alam nyo bang may krisis ng tubig sa China? Isang napipintong malaking prublema ng China ay wala na silang matayuan ng dam dahil polluted na ang kanilang mga bulubundukin o may soil erosion.

Hindi rin maari ang 'desalination' o pagkonbert sa tubig dagat sa tabang dahil masyadong malaki ang gastos.

Hindi rin makakakuha ng supply sa Tibet o sa Rusya dahil may prublema rin sa tubig sa mga lugar na nabanggit.

Kung dito sila magtatayo sa Pilipinas na mayaman sa rain water, mas madali itong itawid dagat sa lapit ng Pilipinas sa China. Ika nga, eh problem solved.


Kung kontrolado ng China ang itatayong dam, hindi malayong isama sa kondisyon ang pagsusupply ng tubig sa China. Posible kaya? Sikreto nga ang kontrata eh, ayon sa isang probisyon, kapag pumirma ang Pilipinas, hindi maaring isapubliko ang mga kondisyon sa kontrata.

Secret? Tayo magbabayad ng utang tapos secret? Yung mga nangutang sitting pretty na, yung susunod na henerasyon nagbabayad pa rin ng inutang nila!



https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/687856/mwss-criticizes-manila-water-for-unfinished-cardona-treatment-plant/story/?

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

ANG DAM SA ECUADOR AT UTANG NILA...

SHOTGUN TACTIC?

BONG GO IS DUTERTE'S BAGMAN?