SI DUTERTE ANG MITSA NG GYERA?
"SI DUTERTE ANG MAGIGING MITSA NG GYERA SA SOUTH CHINA SEA..."
'Ang kawalang aksyon o pagkainutil ni Duterte' sa patuloy na pagsakop ng Tsina sa mga isla sa South China sea at ang malinaw na pagkiling nito sa Tsina ay posibleng maging dahilan ng Amerika na gamitan ng solusyong militar ang gusot sa South China sea...upang tuluyan nang pigilan ang Tsina sa pagdomina nito sa rehiyon ng Asya.Anut' anupaman, "hindi kailanman papayag ang Amerika na dominahin ng Tsina ang Asya, mapamilitar o mapakomersyo man ito."
Hinayaan ng Amerika o maaring sabihin na hindi hayagang nakialam ang Amerika sa hidwaan ng mga bansa nakapaligid sa South China Sea, kahit malinaw na sinasakop na ng Tsina ang mga isla dito at ginigipit ang maliliit na bansa.Pero, hindi rin nangangahulugan na balewala sa Amerika ang kaganapan dito. Sa abot kaya ng kanilang impluwensya ay nagpaparamdam ito ng pagtututol at sinusuporthan ang mga bansa sa Asya na tumindig sa kanilang karapatan.
Ilang sa kanilang malinaw na pahayag ay puprotektahan nila ang 'freedom of navigation' o ang malayang paglalayag sa pinag-aawayang karagatan. Sumuporta sila sa mga koalisyon o pagsasama-sama ng mga bansang hayagang kinokontra ang Tsina sa pag-angkin nito sa lahat ng isla sa South China sea at ang agresibong pagpasok ng Tsina sa mga isla sa mga kalapit nitong bansa tulad ng Japan, Indonesia, Vietnam, at kasama nga rito ang Pilipinas.
https://www.voanews.com/a/joint-military-exercises-in-philippines/4360623.html
At paulit-ulit ding hinahayag ng Amerika ang panawagang igalang ang 'UNCLOS' (United Nations Convention on the Law of the Sea), o ang Law of the Sea treaty.
PERO patuloy ang Tsina sa kanilang agresibong polisiya, patuloy na pagkamkam sa mga isla at paglalagay ng mga artipisyal na isla. Dagdag pa rito ang pagtatayo din ng mga instalasyong militar, hindi lang pagdepensa kundi pangatake rin.
Tila sinasagad o sinusubok ng China ang gagawin ng Amerika...BIG, BIG, MISTAKE!
Una, hindi magsisimula ng digmaan ang Amerika sa isang lugar ng walang sapat na kahandaan at sapat na dahilan...
May ilang bansa tulad ng Vietnam, Indonesia, at ang Japan ay tumitindig upang ipaglaban ang kanilang teritoryo; kakatwa ang Pilipinas na pinaubaya na sa Tsina ang soberenya nito at naging sunud-sunuran dito. Kahit pa nga na nanalo ito sa kaso na isinampa sa The Hague na nagpawalang bisa sa pagangkin ng Tsina sa buong karagatan ng South China sea.
Mula ng maupo si Duterte, 2016, sa halip na mapigilan ang China at gamitin ang pagkapanalo ng dating administrasyon (Noynoy Aquino) sa demandang hinain nito sa The Hague na dinedklarang ngang ilegal ang 9-Dash Line ng Tsina, at binalewala ito ni Duterte at ng Tsina.
"At isang malaking pagkakamali ito, ang kawalang aksyon ni Duterte at malinaw na pagpabor sa Tsina ang magtutulak o magbibigay ng sapat na dahilan sa Amerika na sila na mismo ang gumawa ng hindi ginagawa ni Duterte; ang ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas, ang karagatan at mga isla sa South China sea."
Ang bukambibig ni Duterte ay ang independent foreign policy o walang pinapanigang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa; pero sa halip ay ang kanyang hayagang pagpanig sa Tsina at pangmamaliit sa Amerika! Hindi ilang beses na binanggit ni Duterte na ang MTD o Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Amerika at Pilipinas ang posibleng maging dahilan na masangkot daw ang Pilipinas sa gyera! Tutuo ba ito?Ito ay kabalintunaan! Sa sikolohiya ng militar, kung mas malakas ang iyong puwersa, ito ay nagiging 'deterrent' o panangga sa posibleng mga agresibong kalaban na ipinananakot ang kanilang puwersa. Sa dalawang parehong malakas na pwersa, mas malaki ang tsansang maupo at magusap na lamang.
Kung ang ikaw nama'y may maliit na puwersa, alyansa ang susi o pakikipag-ugnayan sa may mas malakas na puwersa o di kaya'y mas maraming maliliit na puwersa na may kahalintulad na sitwasyon o katanggap-tanggap na ideyolohiya.
"Hindi MTD ang magtutulak kundi ang PAGKILING at kawalang aksyon ni Duterte ang magiging MITSA upang itulak sa gyera!"
Alam naman natin na insidental lamang ang Pilipinas, higit na mas mahalaga sa Amerika ay protektahan nito ang kanilang 'world dominance' o ang 'status quo', o ang pangkasalukuyang 'world order'.At sino mang 'superpower' ang kumontrol sa Asia ay may adbentaheng kumontrol sa mundo; dahil na rin sa bilyon-bilyong dolyar na komersyo tumatawid at dumadaan sa rehiyon; pero higit sa lahat ay ang ruta nito na magdugtong sa mga kontinente ng kanluran at silangan (East and West), at sinuman ang kokontrol ng rutang ito ay magkakaroon ng adbentaheng militar.
"Hindi mananahimik na lamang ang Amerika at panunoorin ang tuluyang paglawak ng kapangyarihan ng China, sa komersyo, lalo na sa militar!"
Ang katotohanan, "ang pagdomina ng Tsina at pagtatayo ng isla sa mga pinagaagawan teritoryo ay malinaw na pagpapalawak ng militar na kapasidad nito."Maling stratehiya ng Tsina, dahil tinutulak lamang nito at binibigyan katwiran ang Amerika upang makialam. Hindi papayag ang Amerika na madomina nito ang mundo o isang rehiyon mapa-militar man o kalakalan.
Nakahanda na ang Amerika, unti-unti na nitong pinipilay ang ekonomiya ng Tsina (Trade War) at ayon nga sa huling independyenteng ulat ay ramdam na ang epekto nito. Nagkukumahog na ang Tsina para ayusin ang gusot sa Amerika para isaayos ang gyera sa komersyo (trade war).
Ang kasalukuyang trade war o gyera sa komersyo ay magpapahirap ng tuluyan sa Tsina. Matagal ng pinagtatakpan ng Tsina ang tunay na lagay ng kanilang ekonomiya, o dinadaya nito ang numero o tutuong estado ng kanilang ekonomiya.Ayon nga sa isang report, mula pa nung 2010 hanggang sa kasalukuyan ay dinadaya na ng Tsina ang mga numero ng ekonomiya:
Recently a Chinese professor was censored after suggesting that growth was below 2 per cent in 2018, not 6.5 per cent as announced by the authorities. (The professor stated that it could even be in the negative).
One of the reasons offered for why the Chinese government consistently exaggerates growth numbers is its concern about social unrest if the Chinese people were told the truth about growth and the state of the Chinese economy – that economic performance was falling well short of the objectives or promises of its economic plans. There is real concern as to how to continue to control a population of 1.4 billion.
https://www.smh.com.au/world/asia/fudged-growth-numbers-take-the-shine-off-china-s-miracle-20190130-p50uhv.html
https://www.bloomberg.com/news/articles/2018-02-01/china-s-2015-gdp-puffed-up-by-fake-economic-data-analysis-shows
Malinaw na 2010 pa lamang ay may prublema na sa ekonomiya ang Tsina...sa mga indepedyenteng ulat, malawakan na ang epekto ng tunay na nangyayaring kahirapan sa Tsina, mula sa kawalan ng trabaho at pagsasara ng mga negosyo.
"At sa nangyayaring gyera sa komersyo (trade war) sa Amerika at China...nasa dulo na ng bangin ang Tsina..."
"At ngayon nga, nakabuhos naman ang pwersa militar ng Amerika sa paghahanda at pagsasanay sa pagkubkob sa mga artipisyal na isla na itinayo ng Tsina."
Isang maliit na pangyayari lamang ay pwedeng magsimula ang kinatatakutan; isang maliit na apoy na pwedeng pagsimulan ng digmaan ng Amerika laban sa Tsina.Ang tanong? Saan lulugar ang Pilipinas habang si Duterte ang pangulo? Ituturing bang 'hostile' o posibleng kaaway ang Pilipinas ng Amerika?
Kung hindi naman susunod dito si Duterte, ituturing syang hostile o kaaway. Maari din itong pagsimulan ng pagkawala ng suporta ng military kay Duterte dahil mayorya ng kasundaluhan ay higit na papanigan ang Amerika.
via @www.express.co.uk: US deploys marines in South China Sea as tensions SOAR - ‘We must show China our POWER’...
THE US has deployed Marines in the South China Sea as tensions between Washington and Beijing continue to be on a knife edge.
Revisiting a strategy used in World War Two, the US Marines have been deployed in order to practise their tactic of taking small islands in the region. Deployed on the Japanese island of Iejima, the Marines captured an airfield as they practised their tactic of “securing advanced footholds”. Although the exercise was not an outward show of aggression towards Beijing, US Marine Corps General, Joseph Dunford admitted that it was essential that the US shows its dominance against Asian power.
General Dunford said: “It is critical for us to be able to project power in the context of China.
“If you look at the island chains and so forth in the Pacific as platforms from which we can project power, that would be a historical mission for the Marine Corps and one that is very relevant in a China scenario.”
China has tried to increase its dominance in the region by claiming multiple islands within the country’s nine-dotted line strategy.
Due to that strategy, China has claimed multiple islands which have led to disputes with neighbouring countries.
Most notably, Beijing fell into disputes with the Philippines and Vietnam over its respective claims to the Spratly and Parcel islands.
Last year Marine Lieutenant General Kenneth McKenzie issued a veiled warning to Beijing as he confirmed America’s military strength in the region.
He said: “I would just say that the United States military's had a lot of experience in the Western Pacific taking down small islands.”
Recently, Secretary of State, Mike Pompeo hit out China’s “illegal island-building in international waterways” following the development at Woody, Tree and Drummond islands.
https://www.express.co.uk/news/world/1103680/world-war-3-South-China-Sea-US-China-tension-Beijing-Washington-Donald-Trump-Xi-jinping
Comments
Post a Comment