HULING BASTYON NG DEMOKRASYA ANG SENADO!
ANO ANG NAKATAYA sa darating na eleksyon?
Kontrolado na ni Digong ang mababang kapulungan o ang House of Representatives. Duon ay mayroon na syang supermajority, kaya kahit anung panukala ang isalang o naising idikta ni Digong ay mabilis pa sa alas kuwatrong naipapasa.
Alam naman natin na para maging isang batas, mula sa mababang kapulungan ay itataas ito sa senado para isapinal o final approval.
Napipigilan lamang ang mga mapaniil o mapangabusong panukalang batas kapag nakarating na ito sa senado dahil hindi pa nakukuha ni Digong ang 'three fourths' (3/4) sa senado. O ang 16 na boto mula sa 24 na senador.
Pagpasok ng Hunyo, anim na lamang na senador ng administrasyon ang matitira; mga dating senador na alam nating sunud-sunuran lamang sa diktador.
Upang makabuo ng super majority o mayorya, kailangan ni Digong ng panibagong sampu o labindalawang bagong halal na senador.
Kung magtatagumpay si Digong at mahalal ang lahat ng kanyang kandidato, suma total, 6 na luma at 12 bago, magkakaroon na sya ng mayorya na 18 at ang matitira ay ang oposisyon o minorya na 6 lamang.
Tuluyan ng mawawalan ng boses ang oposisyon o pagtututol o pagrekisa sa mahahalagang batas o isyu na sasakop sa ating inang bayan. Kahit anung panukalang batas na isusulong ni Digong ay tuluyan nang maipapasa ng walang makakakontra, dahil dadaanin lang ito sa botohan, 18 laban sa 6.
Pwede bang kontrahin ang anumang batas na mabubuo ng kongreso?
Pwedeng isampa ang pagtututol sa korte, ngunit' alam din natin na karamihan sa korte, sa mababa at mataas na hukuman ay mga appointee o naitalaga ni Digong, ibig sabihin ay kayang baluktutin o imaniobra ang desisyon ayon sa utang na loob.
Gaano kahalaga o ano ang nakataya sa eleksyon na ito?
***Ang mga polisiya at kasunduang papabor sa China tulad ng isyu sa West Philippine Sea at mga pautang na may kaakibat na napakataas na interes...
***Ang panukalang batas tulad ng pagbababa sa Criminal Liability para sa mga batang mayroon conflict sa batas...
***Ang pagsulong ng pagpapalit ng Konstitusyon at pagtatayo ng Pederalismo na magbibigay ng kapangyarihan upang hatiin ang bansa sa ibat' ibang estado...
***Ang pagpapalawig sa termino ng mga nakaupong opisyal gamit ang ang period of transition sa panukalang Pederalismo...
***Ang pinaka-nakababahala ay kakayahang ibibigay kay Digong na tuluyan nang pagdedeklara ng batas militar sa buong bansa anuman oras nya itong naisin dahil papaburan o aprubado na ito ng pinagsamang kongreso (joint session), ang mababang kapulungan at senado. Ni hindi na kailangang dalhin sa Korte Suprema dahil ang magkasamang sesyon ang magbibigay ng kapangyarihan kay Digong.
Kung mangyari ito, sa hindi nakaalam, sa batas militar ay magkakaroon ng kapangyarihan ang pangulo na maglabas ng 'executive order' na otomatikong batas, at may kapangyarihang saklaw ito na ipasara ang korte, kahit kongreso, at mga medya o anumang institusyon na posibleng maging balakid sa pananaw ng diktador.
Sa mamayan? Kahit sino ay pwedeng ipaaresto, ikulong ng walang proseso ng batas, dahil ang magiging batas ay ang utos ng diktador. Mawawalan ng bisa ang tinatawag na Writ of Habeas Corpus o ang civil rights o karapatan ng isang mamamayan sa proseso ng batas.
Ibig sabihin, ang posibilidad na lumawak pa ang walang habas na patayan o pagpaslang, dahil magkakaroon na ng legal na kapangyarihan ang kapulisan at militar na pumatay kahit sa mababaw na dahilan tulad ng hinala pa lamang o suspetsa.
Huwag nating kalilimutan ang sobrang kapangyarihan ay nakapagdudulot ng kasakiman at sa dulo ay kapahamakan.
Alam nyo bang si Hitler na pumatay ng milyong-milyong hudyo (jews) ay naisakatuparan nya ang kanyang pagiging diktador sa pagmaniobra ng batas?
Martin Luther King: "Never forget that everything Hitler did in Germany was legal."
The fact is, "He who controls the law, controls what is legal."
Huwag rin natin kalimutan ang kakayahan ni Digong na pumatay or his capacity to slaughter human beings...in one of his speeches, he even referred to Hitler's atrocities and likened himself to it.
“Hitler had murdered millions of Jews… There are 3 million drug addicts (in the Philippines). I’d be happy to slaughter them.” “If Germany had Hitler, the Philippines would have …(pausing and pointing to himself).”
Kaya, kung may natitira pang konsensya sayo, ito na ang pagkakataon, seguruhing maihalal sa puwesto ang Otso Diretso, at kung magdadagdag ay seguruhing galing din sa oposisyon upang mapanatili ang tinatawag na balanse ng kapangyarihan (check and balance) sa senado.
Kaibigan, nasa iyong kamay na ang magiging kapalaran natin sa Hunyo, ang kapalaran mo, ng anak mo, o ng magiging anak mo. May pagasa pa, kung gagamitin mo ang konsyensya mo at iboboto ang tama para sa bayan.
Kailangan natin ng matibay na oposisyon o mga senador na magiging boses ng tao na magbibigay ng balanse upang masegurong ang mga batas at desisyon na gagawin ng pangulo ay naayon sa Konstitusyon at papabor sa Filipino at hindi sa banyaga!
Comments
Post a Comment