ANG GARA MO SONNY! TAX EVADER KA PALA?
Ang Gara Mo Sonny, Iwas Buwis Ka Pala? Ang Tanong: Saan Galing Ang Yaman Nyo?
Ang pagkakaalam ko, isa ang tatay mo sa founding fathers ng ACCRA law office na humawak at nagtaguyod ng Holding Company o ang mother company ng COCO LEVY fund na dugo at pawis ng mga magniniyog. Ito ay buwis o levy na pinataw ng rehimeng Marcos nuong Martial law.
Ang kontrobersyal na coco levy fund na minanipula ni Danding Cojuangco, Juan Ponce Enrile, at ang pumanaw na diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Sa tulong ng yumaong Edgardo Angara, naitago nito ang pera paggamit ng tinatawag na multi-layer companies; at nagamit nga ang pondo sa pambile ng San Miguel Corporation, at iba pang kumpanya may kinalaman sa COPRA.
At ang bulto-bultong shares o majority shares ay pinagparte-partehan ng mga ganid, samantalang ang magsasaka ay iniwan sa ere o walang nakuhang parte liban sa kupon na may halagang barya o daang piso lamang.
Ang coco levy ay ipinataw sa pangakong gagamitin ito sa pagpapaunlad ng niyogan sa bansa at sapilitan ito na kinukuha ng gobyerno bilang dagdag na buwis sa bawat 100 kilo ng copra ibebenta o mapoprodus ng magniniyog.
Duon ba galing ang yaman nyo kaya tinago nyo ito sa offshore accounts?
KAYA naman pala walang pakelam itong si 'Father of Train Law' Sonny Angara sa buwis dahil sya pala ay isang tax evader. Kasama pala sya sa (leaked) Panama papers na may offshore account.
Si Sonny Angara at kanyang mga magulang na si yumaong senador Edgardo Angara at Congresswoman Gloria Angara, ay nakalista bilang mga shareholders ng Arkwright Assets Limited isang offshore account na rehistrado sa British Virgin Islands.
Oopps, mawawala ba sa Panama papers ang mga Marcoses? Si Imee Marcos, Bongbong Marcos, Irene Marcos, at ang asawa nitong si Gergorio Ma. Araneta III, na nakalistang mga opisyal ng Orient Wind Development Limited, na nakarehistro rin sa British Virgin island.
Bakit sila may offshore accounts? Ginagamit ang offshore accounts ng mga mayayamang indibidwal, lehitimo man o kriminal upang maitago ang kanilang yaman o ninakaw na yaman; upang makaiwas sa panunuri (auditing) at higit sa lahat, upang makaiwas magbayad ng buwis sa bansang pinanggalingan ng kanilang yaman.
Ang British Virgin Islands ay isang tax haven o walang buwis na pinapataw kung nais mong maglagak o magdeposito ng iyong pera sa bansang ito. At walang pakelam ang bansang ito dahil hindi ito sumusunod sa mga normal na pamamalakad ng international banking protocols.
At walang hurisdiksyon ang anumang bansa dito dahil ito ay 'blacklisted' at hindi kasama sa mga treaty o parte ng anumang kasunduan sa ibang bansa, kaya hindi nagbibigay ng anumang inpormasyon liban sa nagmamay-ari ng account. Safe na safe!
Pwede bang sabihin na yung ninakaw ng mga magulang sa bayan ay sya ngayong pinakikinabangan ng mga anak?
HOW I GOT A GENUINE LOAN
ReplyDeletei was in need of loan some month ago. i needed a loan to open my restaurant and bar, when one of my business partner introduce me to this good and trustful loan lender STEVE WILSON that help me out with a loan of $420,000, and is interest rate is very low, thank God today. I am now successful, If you are look for any kind of loan. You can Email him at: stevewilsonloanfirm@gmail.com or whatsapp:+16673078785
Thanks Steve.