SELF CONFESSED BIKOY SPEAKS TO THE MEDIA!
ANG TOTOONG NARCO LIST (VIDEOS) AUTHOR FINALLY OUT?
A man who claims to be the real Bikoy went to the IBP (Integrated Bar of the Philippines) seeking help, issued a statement...as follows:
STATEMENT OF PETER JOEMEL ADVINCULA (A.K.A) BIKOY)
Ako po si Peter Joemel Advincula, mas kilala ninyo sa pangalang Bikoy. Ako ay tunay na tao, at hindi kathang isip lang tulad ng sinasabi ng ibang tao.
Nandito ako ngayon sa tanggapan ng IBP upang humingi ng legal assistance. Kailangan ko ng abogado para isubmit ang aking sinumpaang salaysay at tulungan akong magsampa ng kaso laban sa mga miyembro ng sindikato na pinangalanan ko sa video seryeng "ANG TOTOONG NARCOLIST."
Ito ay pinangungunahan nina Paolo Duterte, Christopher Bong Tesoro Go, at Manases Carpio, na asawa ni Sara Duterte ng Davao group, at buong Quadrangle Group na galing sa Bicol.
Gusto kong linawin na wala akong kaugnayan sa kahit kaninong kandidato, lalo na sa kandidato ng Otso Diretso, o political party. Wala din akong kaugnayan sa mga media personalities at institusyon na pinangalanan ni Pangulong Duterte sa kanyang matrix. At hindi ko din po kilala si Rodel jayme na sinasabing nagupload ng mga video, at lahat ng mga taong pinangalanan nya.
Nagdesisyon akong lumabas dahil una - meron banta sa aking buhay. Ikalawa - dahil sa tawag ng konsensya. Nakikita ko ang pagwasak ng pamilya na dulot ng droga na kung saan bahagi ako sa pagpapakalat nuong miyembro pa ako ng sindikato. Panahon na upang puksain ang pamamayagpag ng sindikatong ito.
Una akong nagtrabaho para sa VitaPlus - isang franchise ng First Quadrant multi level marketing company na nagooperate sa Bicol, bilang Marketing Executive.
Nuong Pebrero ng 2010, inilipat ako ng boss ko na si Tess Ranola, sa Operations Center ng sindikato bilang control man ng radio base at CCTV operations ng Underground Facilities sa Misibis Bay. Kinalaunan, nalipat ako sa Transmitting and Facilitating Team. Kami ang naghahanda ng monthly Tara - isang internal document ng sindikato, na kung saan nakalista ang monthly allocation ng mga principals ng sindikato. Ito po yung dokumentong ipinakita ko sa video serye.
Bahagi po ng gawain ng aming team ay ang pagscan ng mga codes na nakaukit sa tattoo ng mga senior members ng sindikato tulad ni Paolo Duterte at Bong Go. Pinapadala ito sa financial controller ng sindikato na naka-base sa Hongkong upang ma validate ang mga transaksyon.
Ilang beses din na ako mismo ang nag-iiscan ng code sa tattoo ni Bong Go, kaya tinitiyak ko po sa inyo na may dragon tattoo siya pati na rin si Paolo Duterte.
Nuong 2012, ako po ay kinasuhan ng estafa dahil sa mga dokumentong pinapirmahan sa akin ng Vitaplus. Nahatulan ako ng 6 na taon ng pagkakulong.
(page 1 of 2)
Nung 2016, napalaya ako ng maaga for good behavior. Naisipan ko na magbagong buhay at nakahanap ako ng trabaho na legal at marangal.
Nguni't sa kasamaang palad, sa isang pagtitipon ng aming kumpanya ay panauhin si Bong Go, namukhaan niya ako. Simula nuon ay ginigipit na ako ng may-ari ng kumpanya, hanggang sa isang araw ay sinabihan ako ng katrabaho ko na mabuti pang umalis na ako dahil nanganganib na ang buhay ko.
Nung Agosto 2018, nagdesisyon akong umalis at magtago. Nabuo na sa loob ko na isiwalat ang lahat ng alam ko tungkol sa sindikato. At sa tulong ng ibang mga dating kasama ko sa sindikato na gusto na ding lumabas, pinasa sa aking ang iba't ibang dokumento na nakita nyo sa video.
Handa po ako humarap sa ano mang imbestigasyon ng senado upang patotohanan ang lahat ng inilabas ko sa video serye.
Hiling ko lang sa bawa't mamayang Pilipino ang inyong panalangin para sa kaligtasan at sa kinabukasan ng ating bayan. Hangga't involved ang pamilya at malalapit na tao kay Pangulong Duterte sa drug syndicate, patuloy na babaha ng droga dito sa ating bayan.
Nawa'y sa paglalahad na ito ay tuluyan ng magising ang Sambayanang Pilipino.
Samahan nyo ako sa labang ito. Ito ang TOTOONG WAR ON DRUGS.
*** (end of statement) page 2 of 2
Comments
Post a Comment