ANG GARA MO SONNY! TAX EVADER KA PALA?
Ang Gara Mo Sonny, Iwas Buwis Ka Pala? Ang Tanong: Saan Galing Ang Yaman Nyo? Ang pagkakaalam ko, isa ang tatay mo sa founding fathers ng ACCRA law office na humawak at nagtaguyod ng Holding Company o ang mother company ng COCO LEVY fund na dugo at pawis ng mga magniniyog. Ito ay buwis o levy na pinataw ng rehimeng Marcos nuong Martial law. Ang kontrobersyal na coco levy fund na minanipula ni Danding Cojuangco, Juan Ponce Enrile, at ang pumanaw na diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Sa tulong ng yumaong Edgardo Angara, naitago nito ang pera paggamit ng tinatawag na multi-layer companies; at nagamit nga ang pondo sa pambile ng San Miguel Corporation, at iba pang kumpanya may kinalaman sa COPRA. At ang bulto-bultong shares o majority shares ay pinagparte-partehan ng mga ganid, samantalang ang magsasaka ay iniwan sa ere o walang nakuhang parte liban sa kupon na may halagang barya o daang piso lamang. Ang coco levy ay ipinataw sa pangakong gagamitin i...