Vice President Leni Robredo addresses the nation
Vice President Leni Robredo addresses the nation, salient points...gave her suggestion on the government fight against the pandemic - via ABS-CBN News
Robredo: Hindi mapipigil ang pandemya kung basta mag-aabang na lang tayo ng bakuna. Kailangang maampat ang pagkalat nito sa lalong madaling panahon. Nagsisimula ang lahat sa tamang datos, na pundasyon ng tamang desisyon.
Naghain muli tayo ng mga mungkahi kung paano tutugunan ang #COVID19 pandemic...
Una, linisin at pabilisin ang pagkalap ng datos ukol sa COVID-19. Kung magagawa ito, magiging mas matibay ang pinagmumulan ng mga desisyon, polisiya, at programa para mapigilan ang paglaganap ng virus.
Isama ang mga pamantasan at academic institutions para tumulong sa validation process ng DOH.
Siguruhing mabilis ang turnover time ng mga COVID-19 tests. Alamin kung bakit nagkakabacklog, kung saang mga laboratoryo ito nagaganap, at tulungan silang makahabol.
Sa LSIs: Nagpadala na tayo ng rekomendasyon na bigyan sila ng libreng swab test bago bumiyahe... Kailangang maglaan ng maayos na lugar kung saan puwede silang maghintay ng biyahe nang may sapat na espasyo at kung saan din ine-enforce na minimum health standards.
Ang totoong whole of nation approach, maayos ang pangangasiwa at kumukumpas sa iisang direksyon. Aling direksyon, at sino ang kukumpas? Dapat public health professional na tunay na nakakaintindi ng problema: Pandemya ang ugat ng lahat ng suliranin ngayon.
Kapag napigil ang pandemya, isa-isa na ring malulutas ang iba pang hamon, kasama na ang sa ekonomiya.
Siguruhin ding iisa ang kumpas ng pampubliko at pribadong sektor. Bukod pa sa usapin ng data, pagdating din sa ayuda at sa procurement ng mga kagamitan, marami ang pagkakanya-kanya na kung maiiwasan ay magdudulot ng mas maliksing overall response mula sa lahat.
Pangunahin sa isang matibay na healthcare system ang pagpapalakas sa mga ospital. Siguruhin na equitable at sistematiko ang pagbubuhos ng resources sa mga ospital para makasabay sila sa demands ng pandemya.
Sa mga health workers: Sila ang nasa pinaka mapanganib na situwasyon, at sila rin ang pinakamahalagang sundalo sa laban kontra COVID-19. Natural dapat na pagtuonan ng ibayong pansin ang lahat ng pag-aaruga, lahat ng tulong, lahat ng kasangkapan at serbisyong magagamit nila.
Kabilang na dito ang access sa counseling para sa mga healthcare workers sa mga COVID ward. Magpatupad din dapat ng sistema para hindi sila maburn-out, tulad ng maayos na proseso ng pagrelyebo.
Sang-ayon din tayo na dapat maging mas makatarungan ang pasahod sa kanila lalo na sa panahong ganito.
Pandemya ang ugat ng mga suliranin; kapag mabisa itong matugunan, matutugunan din ang iba pang hamon.
Habang dumadami ang nagkaka-COVID 19, lalo rin nating pinapatagal ang paghihirap ng Pilipino. Marami ang namamatay, at hindi sila statistics lang.
Sa ngayon, habang pinagsisikapan nating maampat ang pagkalat ng pandemya, kailangang siguruhin na may sapat na safety nets para sa pinakanangangailangan, habang sinisiguro ding hindi na dadami pa ang mawawalan ng kabuhayan.
On the immediate passage of stimulus package: Sa CREATE Bill, magandang layunin ito, pero hindi ito sapat.
Atin pong tinutulak ang ARISE Bill. Kung maisasabatas ito, magkakaroon ng dagdag at tiyak na pondo para sa mga programa tulad ng wage subsidies ng DOLE at cash-for-work ng TUPAD. Malinaw na mas nakatuon sa pinakanangangailangan ang ARISE; mas inclusive ito, at mas pro-poor.
Puwede ring magbigay ng tax incentives para sa mga kumpanyang magbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pandemya.
Gamitin ang buong puwersa ng economic cluster, kasama ng akademya at iba pa mula sa pribadong sektor, hindi lang para magpanday ng mga risk assessment study, pero para tiyakin na nakabatay ang mga desisyon sa pag-aaral na ito.
Gumawa na ng buffer stock ng lahat ng mga materyales na kailangan ng bawat pamilya sa panahon ng pandemya: Bitamina, sabon, alcohol, face masks, at iba pa. Siguruhing hindi maaantala ang supply chain. Tutukan ang mga local producers.
Atasan ang buong pamahalaan na i-patronize ang mga local businesses. I-prioritize ang mga gamit na dito mismo ginagawa sa Pilipinas.
Sa SAP: May iba-ibang registry para sa mga basic sectors, para sa talaan ng maralita, para sa targeting ng mga social protection at social welfare services. Pag-isahin ito, i-validate, at ibangga sa talaan ukol sa COVID-19, upang matukoy kung sino ang dapat i-prioritize.
Sa mga susunod na panahon, kailangang harapin ang mga suliranin sa ekonomiya. Siguruhing matutulungang makabangon muli ang mga nagsarang negosyo, o di kaya mag-engganyo ng pagbubukas ng bago; palakasin ang mga ito, para makalikha ng trabaho.
Internet: Internet hubs in each barangay for distance learning, capacity building for teachers; modules for parents who will engage in home-schooling.
Kailangang intindihin ang malawakang epekto sa mga naiwan. Dagdag sa pagluluksa, nawalan sila ng breadwinner o nabaon sa utang. Kapag pinabayaan natin ang mga naiwan, lalo na ang mga anak na nag-aaral, tatawid sa susunod na henerasyon ang pinsalang dulot ng pandemya.
Scholarship fund for dependents of those who died due to #COVID19: Magkakarugtong ang kalusugan at kaligtasan natin, at karugtong naman nito ang bawat aspekto ng buhay natin, mula ekonomiya hanggang edukasyon. Nakatahi ang laylayan sa alinmang sentro, mula Batanes hanggang Jolo.
Nasa iisang panig tayong lahat, at ang pagkamulat sa katotohanang ito ang susi sa pagharap sa hamon ng COVID.
Malikhain tayo. Maabilidad tayo. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan natin—sa lahat ng sakuna, sa digmaan at diktadurya, sa pananakop—may isang bagay na tiyak: Nakaalpas lang tayo dahil hindi tayo nagkanya-kanya; dahil pinalawak natin ang saklaw ng malasakit natin.
Hindi pasaway ang Pilipino, kundi laging handang tumulong sa kapwa. Hindi inutil ang Pilipino, kundi may tapang at talino na humarap sa anumang hamon. Hindi talunan ang Pilipino. At tiyak na magtatagumpay tayo laban sa pandemyang ito.
----end of salient points---
Comments
Post a Comment