Vice President Leni Robredo addresses the nation
Vice President Leni Robredo addresses the nation, salient points...gave her suggestion on the government fight against the pandemic - via ABS-CBN News Robredo: Hindi mapipigil ang pandemya kung basta mag-aabang na lang tayo ng bakuna. Kailangang maampat ang pagkalat nito sa lalong madaling panahon. Nagsisimula ang lahat sa tamang datos, na pundasyon ng tamang desisyon. Naghain muli tayo ng mga mungkahi kung paano tutugunan ang #COVID19 pandemic... Una, linisin at pabilisin ang pagkalap ng datos ukol sa COVID-19. Kung magagawa ito, magiging mas matibay ang pinagmumulan ng mga desisyon, polisiya, at programa para mapigilan ang paglaganap ng virus. Isama ang mga pamantasan at academic institutions para tumulong sa validation process ng DOH. Siguruhing mabilis ang turnover time ng mga COVID-19 tests. Alamin kung bakit nagkakabacklog, kung saang mga laboratoryo ito nagaganap, at tulungan silang makahabol. Sa LSIs: Nagpadala na tayo ng rekomendasyon na bigyan sila ng libreng swab test b...